Bus driver na bitbit ang anak sa biyahe hinangaan sa FB

Kung nakakakita ka ng pagsasakripisyo ng isang ina para sa kanyang anak, humahanga ka pero hindi lang ina ang kayang magsakripisyo para sa kanyang anak kundi maging ang isang ama rin na lalo mong hahangaan kung ang katulad na sakripisyo ang kayang ibigay sa kanyang anak.

The post Bus driver na bitbit ang anak sa biyahe hinangaan sa FB appeared first on Abante News Online.

bus driver na bitbit ang anak sa biyahe hinangaan sa fb - Bus driver na bitbit ang anak sa biyahe hinangaan sa FB
abante bus - Bus driver na bitbit ang anak sa biyahe hinangaan sa FB

Kung nakakakita ka ng pagsasakripisyo ng isang ina para sa kanyang anak, humahanga ka pero hindi lang ina ang kayang magsakripisyo para sa kanyang anak kundi maging ang isang ama rin na lalo mong hahangaan kung ang katulad na sakripisyo ang kayang ibigay sa kanyang anak.

Hindi napigilan ni Marivic Ando Natividad na i-post sa social media ang kanyang naramdaman na nagpatunaw sa kanyang puso na pinamagatan niyang #A Father’s love.

Sa kanyang post, sumakay siya ng bus papasok sa trabaho noong Biyernes (Mayo 24, 2019).

Nakatabi niya pag- upo sa likuran ng driver ang isang special child.Masaya ito at laging nakangiti.

Alam ng bata ang lahat ng lugar ng bus stop at isinisigaw pa niya ito para sa mga pasaherong gustong bumaba.

Masaya din naman ang bus driver at habang katabi ko ay napansin kong gustong -gusto niya umupo sa tabi ng driver.

“Papa, papa” sambit ng bata na sinagot ng driver . “Naku bakit ka pa lumipat dito, baka mahuli tayo ng MMDA.”

Kasunod nito, ibinaba niya ang kurtina sa kanyang tabi.Madaldal ang bata at nakikinig naman ang driver sa mga sinasabi. Sabay pang kumanta ang dalawa habang nagmamaneho si Mamang driver.

Sa puntong ito naalala niya ang kanyang amang si Victor ang pagiging “Superman” sa kaniyang pamilya ang pagiging “good provider”at pagmamahal sa pamilya na labis niyang pinasalamatan.

Sa kabila ng trapik na dinanas ni Marivic sa Edsa ay nakangiti itong bumaba ng bus sa nasaksihang pagmamahal at sakripisyo ng isang ama. (Juliet de Loza-Cudia)

The post Bus driver na bitbit ang anak sa biyahe hinangaan sa FB appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *