Bultong bala ng NPA sinamsam

Narekober ng 23rd Infantry Battalion ng Philippine Army ang maraming bala na pagmamay-ari

The post Bultong bala ng NPA sinamsam first appeared on Abante.

bultong bala ng npa sinamsam - Bultong bala ng NPA sinamsam
bala - Bultong bala ng NPA sinamsam

Narekober ng 23rd Infantry Battalion ng Philippine Army ang maraming bala na pagmamay-ari

umano ng New People’s Army (NPA) sa Butuan City, Miyerkoles ng umaga.

Itinago sa damuhang bahagi ng Sitio Palo, Barangay Nong-nong sa lungsod ang 1,200 rounds na bala ng Carbine rifle, 390 rounds ng Garand rifle at isang magazine ng M16 rifle.

Ayon sa militar, nagsagawa ng combat operation ang mga sundalo matapos makatanggap ng impormasyon mula sa mga residente sa mga ginagawa ng NPA.

Ayon kay Lt. Col. Julius Cesar Paulo, 23rd IB commander, dahil sa mga impormasyong ibinigay ng mga residente, marami na ang nadiskubreng hideout at itinagong mga bala ng NPA. (Riz Dominguez)

The post Bultong bala ng NPA sinamsam first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *