Building Code amiyendahan — Tolentino

IMINUNGKAHI ni administration senatorial bet Francis Tolentino na dapat na umanong susugan ang kasulukuyang National Building Code bilang pangunang hakbang upang maagapan ang pinsalang dulot ng isang malakas na lindol.

The post Building Code amiyendahan — Tolentino appeared first on Abante News Online.

building code amiyendahan tolentino - Building Code amiyendahan — Tolentino
abnate Tolentino - Building Code amiyendahan — Tolentino

IMINUNGKAHI ni administration senatorial bet Francis Tolentino na dapat na umanong susugan ang kasulukuyang National Building Code bilang pangunang hakbang upang maagapan ang pinsalang dulot ng isang malakas na lindol.

Ginawa ni Tolentino ang pahayag kasabay ng sunod-sunod na pagyanig iba’t ibang sulok ng bansa noong nakaraang linggo, lalo na ang magnitude 6.2 na lindol sa Gitnang Luzon na nagiwan ng hindi bababa sa 16 na nasawi.

Ayon kay Tolentino napapanahon na upang amyendahan ang National Building Code upang mas masiguro ang integridad ng mga istruktura at gusali pati na rin ang katatagan ng mga ito sa panahon ng malalakas na paglindol.

Isinusulong ni Tolentino ang nabanggit na rebisyon sa gitna ng sunod-sunod na paglindol sa iba’t ibang bahagi ng bansa noong nakaraang linggo.

Dagdag pa ng dating alkalde ng Lungsod ng Tagaytay, ang pagkakaroon ng periodic inspection ng mga buildings ay makatutulong din upang masuri ang kaligtasan ng mga taong gumagamit ng mga ito sa panahon ng sakuna kagaya ng lindol.

“Dapat na magkaroon ng inspeksiyon sa mga pribado at pampublikong gusali kada dalawang taon upang masiguro na ligtas pa ang mga ito at makakayanan pa ang pagyanig sakaling tumama ang isang ma­lakas na lindol,” saad ni Tolentino.

Dagdag pa niya, mas maraming buhay at kagamitan ang mai­liligtas kung masisigurong matitibay ang mga istrukturang ating ginagalawan.

Dapat na din maging bahagi ng rekisito sa renewal ng business permit at permit to lease space ang sertipikasyon ng local engineering office ang pagkakaroon ng sertipikasyon na matibay ang gusali ng establi­simyento at ligtas itong gamitin ng mga tao.

“Isang preventive measure ito sa pagkasira ng mas maraming kagamitan at pagkawala ng buhay,” giit ng da­ting alkalde. (JC Cahinhinan)

The post Building Code amiyendahan — Tolentino appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *