BuCor official nakipag-jamming sa Chinese drug lord

Kinompronta ni Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson ang isang opisyal ng Bureau of Corrections (BuCor) hinggil sa diumano’y pakikipag-jamming nito sa mga Chinese drug lord sa loob ng New Bilibid Prison (NBP).

bucor official nakipag jamming sa chinese drug lord - BuCor official nakipag-jamming sa Chinese drug lord
BUCOR - BuCor official nakipag-jamming sa Chinese drug lord

Kinompronta ni Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson ang isang opisyal ng Bureau of Corrections (BuCor) hinggil sa diumano’y pakikipag-jamming nito sa mga Chinese drug lord sa loob ng New Bilibid Prison (NBP).

Sa pagdinig ng Senate committee on justice kahapon, diretsahang tinanong ni Lacson si Frederick Anthony Santos, head ng legal division ng BuCor kung gumagamit ito ng iligal na droga.

“Have you ever used drugs? Not once in your lifetime? Baka makakuha kami ng ebidensiya, pakita ko baka lying ka na naman,” tanong ni Lacson kay Santos na sumagot naman ng “no sir.”

“I’m going to get that evidence, I almost had it. I’m telling you. Because there are reports that you are jamming with the Chinese drug lords inside Building 14. I’m just telling you… you are under oath and I’m telling you that,” pagpapatuloy ni Lacson.

Bago ito, nagpahiwatig si Lacson na sa tuwing nagsasagawa sila ng pagdinig, madalas umanong nagsisinungaling ang mga pinapatawag nilang resource persons.

“This is our fourth hearing. Each time that we conduct a committee hearing, we’re being lied to at least once. We’re being lied to each time by our resource persons,” sabi Lacson.

Isa na aniya rito si Staff Sergeant Ramoncito Roque, chief ng BuCor documents section, na nauna nang nagsabing hindi niya kilala si Yolanda Camilon.

Si Camilon ang nagbigay ng P50,000 kay Roque kapalit ng maagang pag-release ng kanyang asawa na nakapiit sa minimum security compound sa NBP.

Pero kahapon, sinabi ni Roque na kakilala umano niya si Camilon. (Dindo Matining)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *