BuCor marumi ang catering, sobra-sobra ang suplay ng gamot — COA

PINUNA kahapon ng Commission on Audit (COA) ang sobra sobrang gamot na binili ng Bureau of Corrections (BuCor) at ang paggastos sa hindi de kalidad na catering services na naglagay pa sa peligro sa mga inmate.

The post BuCor marumi ang catering, sobra-sobra ang suplay ng gamot — COA appeared first on Abante News Online.

bucor marumi ang catering sobra sobra ang suplay ng gamot coa - BuCor marumi ang catering, sobra-sobra ang suplay ng gamot — COA
BUCOR - BuCor marumi ang catering, sobra-sobra ang suplay ng gamot — COA

PINUNA kahapon ng Commission on Audit (COA) ang sobra sobrang gamot na binili ng Bureau of Corrections (BuCor) at ang paggastos sa hindi de kalidad na catering services na naglagay pa sa peligro sa mga inmate.

Sa audit report ng COA pinansin nito ang overstocked ng P15.5M halaga ng gamot na sobra-sobra sa aktuwal na pangangailangan ng mga preso, ang aksyon na umano ito ng BuCor ay malinaw na pag-aaksaya ng pondo.

“Apparently, actual demand of patients were not considered in the procurement of drugs and medicines, resulting in excess procurement in the aggregate amount of P15,501,612.25. This is a manifestation of a clear disregard of the actual needs of patients or purchases of the same even without the need/basis to purchase,” nakasaad sa COA report.

Mas nag-stocked umano ng mga gamot ang BuCor na hindi naman talagang kailangan ng mga preso, halimbawa ang Verapamil na gamot na 99,300 tableta ang binili ng ahensiya noong 2018 gayong nasa 3,450 tableta nito ang kailangan para sa buong taon.

Sobra din umano sa 3-month requirement ang binili ng Bucor na gamot noong 2017 at 2018 para sakanilang NBP Hospital at CIW and Reception and Diagnostic Center.

“We recommended that management undertake adequate planning and effective prioritization in its procurement and keep track of the movement of drugs and medicines to ensure safety stock levels and avoid excessive purchases,” ayon pa sa COA.

Samantala pinansin ng COA ang mababang kalidad ng catering na kinuha ng BuCor na malinaw na paglabag sa Food Subsistence Agreement (FSA).

Ayon sa COA ang Aurora F. Sumulong Eatery at V & J Trading ay walang FSA requirement partikular ang sanitary permit, employment of a food compliance officer, health certificate ng food handler at pest treatment certification.

Inatasan ng COA ang BucOr na tignan at suriin ang naging performance ng dalawang catering.

Gayunpaman sa naging komento ng BuCor sinabi nito na mayroon na silang Notice to Terminate para sa nasabing catering service. (Tina Mendoza)

The post BuCor marumi ang catering, sobra-sobra ang suplay ng gamot — COA appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *