BuCor chief todo-iwas sa Senate probe, inisyuhan ng subpoena

NAG-ISYU na ang Senate blue ribbon committee ng subpoena laban kay Bureau of Corrections chief Nicanor Faeldon para maobliga siyang dumalo sa pagdinig sa Senado hinggil sa naunsyaming pagpapalaya nito kay dating Calauan, Laguna mayor Antonio Sanchez sa New Bilibid Prison.

bucor chief todo iwas sa senate probe inisyuhan ng subpoena - BuCor chief todo-iwas sa Senate probe, inisyuhan ng subpoena
bucor - BuCor chief todo-iwas sa Senate probe, inisyuhan ng subpoena

NAG-ISYU na ang Senate blue ribbon committee ng subpoena laban kay Bureau of Corrections chief Nicanor Faeldon para maobliga siyang dumalo sa pagdinig sa Senado hinggil sa naunsyaming pagpapalaya nito kay dating Calauan, Laguna mayor Antonio Sanchez sa New Bilibid Prison.

Ito’y kasunod nang ulat na hindi dadalo si Faeldon sa pagdinig ng Senado na nakatakda ngayong Lunes nang umaga dahil may iba umano itong pupuntahan.

Ilang mga komite, kabilang ang Justice and Human rights committee na pinamumunan ni Senador Richard Gordon, ang nakatakdang imbestigahan ang Good Conduct Time Allowance Law, isang provision sa Revised Penal Code na nagpapaikli sa pagkakakulong ng isang preso dahil sa magandang asal nito sa loob ng kulungan.

Kasama ng komite ni Gordon, ang iba pang komite tulad ng Constitutional Amendments and Revision of Laws at Public Order and Illegal Drugs. Iim­bestigahan din ng blue ribbon committee ang alegasyon ng korapsyon sa pagproseso ng GTCA.

Bago matalaga sa BuCor, si Faeldon ay naging Customs Commissioner. Bumaba siya sa puwesto noong 2017 kasunod ng isyu sa P6.4 bilyon halaga ng shabu shipment na lumusot sa Customs sa ilalim ng kanyang pamumuno.

Sa ginawang imbestigasyon ng Senado, inirekomenda ng blue ribbon committee ang paghahain ng kasong graft and corruption laban kay Faeldon.

Nais ni Senador Panfilo Lacson na komprontahin si Faeldon sa pinirmahan nitong August 20 release order kay Sanchez. Matatandaang nabulilyaso ang paglaya ni Sanchez matapos na ipag-utos ni Pangulong Duterte na huwag palayain ang dating alkalde.

Iginiit naman nina Senador Franklin Drilon at Risa Hontiveros ang pagsibak kay Faeldon.

“Alam mo kahit saan siya pumunta mayroong controversy. Mukhang tuloy pag-iisipan mo kung dahilan ba sa kanya iyan. Siguro naman panahon na para palitan si Faeldon,” giin ni Drilon sa isang radio interview.

Nanindigan si Drilon na hindi dapat ang BuCor chief ang pumipirma sa mga papalayaing preso alisunod sa GCTA Law kundi ang kalihim ng Department of Justice.

“Ang sinasabi ko nga ay kailangan ng clearance ng Secretary of Justice kapag ikaw ay sentenced to life impri­sonment. Hindi iyan sinunod,” diin ng senador.

Binanggit naman ni Hontiveros na bukod sa pagtanggal sa trabaho, dapat din kasuhan si Faeldon.

“Si Faeldon ay hindi karapat-dapat sa tiwala ng taumbayan. Pagkatapos niyang paulit-ulit na itinanggi na wala siyang kinalaman sa nabinbing pagpapalaya kay former Calauan Mayor Antonio Sanchez ay lumabas din ang masangsang na katotohanan,” saad ni Hontiveros. (Dindo Matining)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *