BuCor chief kumanta: 3 sa Chiong sisters rape-slay laya na

NAKALAYA na sa New Bilibid Prison (NBP) ang tatlong suspek sa panggagahasa at pagpatay sa magkapatid na Chiong noong 1997 sa Cebu.

bucor chief kumanta 3 sa chiong sisters rape slay laya na - BuCor chief kumanta: 3 sa Chiong sisters rape-slay laya na
abante Chiong sisters 1 - BuCor chief kumanta: 3 sa Chiong sisters rape-slay laya na

NAKALAYA na sa New Bilibid Prison (NBP) ang tatlong suspek sa panggagahasa at pagpatay sa magkapatid na Chiong noong 1997 sa Cebu.
Ito ang kinumpirma ni Bureau of Corrections (BuCor) Director General Nicanor Faeldon sa pagdinig kahapon ng Senado sa kontrobersiyal na implementasyon ng Good Conduct Time Allo­wance (GCTA) Law.
Inusisa ni Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson si Faeldon kung nilagdaan niya ang release orders nina Josman Aznar, Ariel Balansag, at Alberto Caño, tatlo sa pitong lalaking nahatulan sa pagpatay at panggagahasa kina Marijoy at Jacqueline Chiong.
“I cannot remember ordering the release of… because I do not really distinguish what cases these PDLs (persons deprived of liber­ty),” sagot ni Faeldon kay Lacson.
Ipinakita pa ni Lacson ang kopya ng release order na may petsang Agosto 16 na nilagdaan ni BuCor official Maria Fe Marquez.
“Have they been released?” tanong ni Lacson kay Faeldon na sinagot naman ng huli na, “yes, your honor.”
Sabi ni Lacson, nangyari ang pagpapalaya sa mga convict sa Chiong sisters slay case, apat na araw bago lumabas ang release order kay dating Calauan Mayor Antonio Sanchez.
“The case of the Chion­g sisters is as gruesome as the case of Eileen Sarmenta and Allan Gomez,” dagdag nito.
Ang magkapatid na Chiong ay dinukot, ginahasa at pinatay sa Cebu City noong 1997.
Bukod kina Aznar, Caño, Balansag, ang iba pang nahatulan ay sina Francisco Juan ‘Paco’ Larrañaga, Rowen Wesley Adlawan, James Andrew ‘MM’ Uy, at James Anthony Uy.
Si Larranaga na isang Español ay nagsisilbi ng kanyang sentensya sa Spain. (Dindo Matining)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *