BuCor bantay-sarado ng DOJ sa reporma

BANTAY-SARADO ng Department of Justice (DOJ) ang mga repormang ipinapatupad sa ilalim ng pamumuno ni Bureau of Corrections (BuCor) chief Gerald Bantag.

bucor bantay sarado ng doj sa reporma - BuCor bantay-sarado ng DOJ sa reporma
Gerald Bantag.jpg 1 - BuCor bantay-sarado ng DOJ sa reporma

BANTAY-SARADO ng Department of Justice (DOJ) ang mga repormang ipinapatupad sa ilalim ng pamumuno ni Bureau of Corrections (BuCor) chief Gerald Bantag.

Ito ang iniutos ni Justice Sec. Menardo Guevarra sa oversight committee ng ahensiya bunsod ng ginagawang pagbabago ni BuCor Director Gerald Bantag kung saan sinasabing lalo pang lumala ang kondisyon ng mga bilanggo sa national penitentiary matapos na magsagawa ng demolition sa ilang nakatayong mga illegal structure sa Bilibid.

Ani Guevarra, kailangang hindi nalalabag ang karapatan ng mga preso sa kabila ng kanilang pagkakakulong.

Kung kaya nais niyang matiyak na tama ang ginagawang reporma ni Bantag at hindi ito ‘out of bounds’.

Idiniin pa ni Guevarra na kailangan pa ring manaig ang pagdidisiplina at reporma sa pagkatao ng bawat preso.

Nitong nakaraang linggo ay sinimulan ng BuCor at Philippine National Police (PNP) ang demolisyon sa pagnanais na masupil ang mga illegal business dealing sa national penitentiary. (Anne Lorraine Gamo)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *