BSP gagastos ng ₱25M para mapaganda imahe ng ‘Pinas

NAGHAHANAP ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ng “international economic communications” consultant o PR na gagastusan nito ng P25.4 milyon sa loob ng isang taon para mapaganda ang imahe ng bansa sa mundo.

bsp gagastos ng e282b125m para mapaganda imahe ng pinas - BSP gagastos ng ₱25M para mapaganda imahe ng ‘Pinas
2019 Abante BSP - BSP gagastos ng ₱25M para mapaganda imahe ng ‘Pinas

NAGHAHANAP ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ng “international economic communications” consultant o PR na gagastusan nito ng P25.4 milyon sa loob ng isang taon para mapaganda ang imahe ng bansa sa mundo.

Ang proseso ng BSP sa paghahanap ng international PR ay si­nimulan noong October 3 nang inilagay ito sa PHILGEPS. Magsasagawa ng prebid conference ang BSP sa October 9 at hinihikayat ng BSP ang lahat ng inte­rasado na isumite ang kanilang mga katanu­ngan bago sumapit ang October 8.

Kauutos lang kamakailan ni Finance Secretary Carlos Dominguez III sa kanyang mga tauhan na maghanap ng ibang mauutangan dahil pinagbawal ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pag-loan sa mga bansang sumuporta sa panukala ng Iceland na imbestigahan sa UN Human Rights Council ang war on drugs ng kanyang administrasyon kung saan libo-libong mahihirap na ang namatay samantalang nakalulusot naman ang nagpapasok sa bansa ng P6.4 bilyong shabu. Si Dominguez ay miyembro ng Monetary Board, ang nagsisilbing board of directors ng BSP na pinamumunuan naman ngayon ni Governor Benjamin Diokno na budget secretary naman ng administrasyong Duterte hanggang March 3, 2019.

Pinuna na ng Fitch Solutions Macro Research na bahagi ng isang international credit ratings agency ang twin deficit ng Pilipinas: Ang budget deficit kung saan higit na mas malaki ang ginagastos ng administrasyong Duterte kaysa sa mga buwis na kinokolekta nito; at ang trade deficit kung saan mas marami ang inaangkat kaysa sa ine-export ng bansa kaya nababawasan ang dolyar na nasa bansa.

Ayon sa Department of Budget and Management, kakapusin ng P620 bilyon ang gagastusin ng administrasyong Durterte dahil P3.8 trilyon ang bayarin nito samantalang P3.1 trilyon lamang ang inaasahan nitong koleksyon. Sa 2020, aabot sa P678 bilyon ang kapos nito sa gastusin dahil P4.2 trilyon ang tinitignan nitong bayarin samantalang P3.5 trilyon lamang ang inaasahan nitong koleksyon.

Nasa 47 ang miyembro ng UNHCR at 18 ang sumuporta sa Iceland: Argentina, Australia, Austria, Bahamas, Bulgaria, Croatia, Czech Republic, Denmark, Fiji, Iceland, Italy, Mexico, Peru, Slovakia, Spain, Ukraine, the United Kingdom, at Uruguay. Nanalo ang resolusyon ng Iceland dahil 14 lang ang kumontra dito at 14 ay nag-abstain.

Sinuportahan ng France, Germany at Sweden ang panukala ng Iceland subalit hindi sila mga miyembro ng UNHCR. (Eileen Mencias)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *