Broadcaster inambus sa Davao del Norte

SUGATAN ang isang brodkaster matapos na paulanan ng bala ng hindi pa kilalang suspek ang sasakyan nito sa Tagum City, Davao Del Norte kahapon ng umaga.

broadcaster inambus sa davao del norte - Broadcaster inambus sa Davao del Norte
gunshot 1 - Broadcaster inambus sa Davao del Norte

SUGATAN ang isang brodkaster matapos na paulanan ng bala ng hindi pa kilalang suspek ang sasakyan nito sa Tagum City, Davao Del Norte kahapon ng umaga.

Nagpapagaling sa Medical­ Mission Group Hospital and Health Services Cooperative sanhi ng tinamong tama ng bala sa katawan ang biktimang nakilalang si Paterno Lucero Pacquiao, 54, Public Information Officer (PIO) ng Tagum City, broadcaster at may-ari ng 99.9 RP FM.

Sa ulat ni Police Lt. Ariel Acala, officer-in-charge ng Tagum City Police Station, naganap ang insidente dakong alas-8:06 ng umaga sa kahabaan ng Purok White Dove, Brgy. Visayan ng nabatid na lungsod.

Lulan ng kanyang puting Ford Eco Sport ang biktima at pauwi na sana ito sa kanilang bahay mula sa kanyang pang-umagang programa sa radyo nang sabayan ito ng hindi pa kilalang armadong suspek lulan naman ng isang motorsiklo at paulanan ng bala ang sasakyan nito.

Nakuhang makaiwas ng biktima nang tutukan siya ng baril ng suspek dahilan ng tinamo nitong tama sa katawan.

Matapos ang pangyayari ay mabilis na tumakas ang suspek habang dinala si ­Pacquiao sa nabanggit na pagamutan ng mga sumaklolo.

Nakakuha naman ng mga basyo ng bala ng kalibre .45 baril ang pulisya sa lugar ng insidente habang patuloy ang imbestigasyon kung ano ang motibo ng suspek sa nasabing pananambang. (Edwin Balasa)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *