British oil tanker dinagit ng Iran; Pinoy kabilang sa 23 crew

British oil tanker dinagit ng Iran; Pinoy kabilang sa 23 crew

Kinumpiska ng Iran ang British oil tanker Stena Impero matapos umano nitong banggain ang fishing boat sa Strait of Hormuz noong Biyernes.

The post British oil tanker dinagit ng Iran; Pinoy kabilang sa 23 crew appeared first on Abante News Online.

british oil tanker dinagit ng iran pinoy kabilang sa 23 crew - British oil tanker dinagit ng Iran; Pinoy kabilang sa 23 crew
AFP 2 - British oil tanker dinagit ng Iran; Pinoy kabilang sa 23 crew

Kinumpiska ng Iran ang British oil tanker Stena Impero matapos umano nitong banggain ang fishing boat sa Strait of Hormuz noong Biyernes.

Ayon kay Erik Hanell, president at chief executive ng Stena Bulk at operator ng hinuling tanker, 23 marino ang sakay ng oil tanker na kinabibilangan ng mga Indian, Russian, Latvian at Pilipino.

Sa ulat ng Fars News agency ng Iran, sumenyas umano ang sakay ng fishing boat sa tanker pero hindi sila pinansin hanggang sa mabangga ito.

Matapos ang insidente, umakyat sa tanker ang mga armadong miyembro ng Iranian Revolutionary Guard at dinala ang tanker sa Bandar Abbas Port at pinigil ang 23 crew habang iniimbestigahan ang kaso.

Nanindigan naman ang British operator na wala silang nilalabag na regulasyon sa navigation.

Nagbanta naman si Foreign Secretary Jeremy Hunt ng “serious consequences” kung hindi agad mareresolba ang isyu.

The post British oil tanker dinagit ng Iran; Pinoy kabilang sa 23 crew appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *