Brgy chairman dinampot sa pagpapaputok

abante_gunshot

ISANG barangay chairman ang naaresto samantalang isa ring lala-ki ang napatay matapos magresponde ang mga pulis sa dalawang kaso ng indiscriminate firing sa Batangas kamakalawa.

The post Brgy chairman dinampot sa pagpapaputok appeared first on Abante News Online.

brgy chairman dinampot sa pagpapaputok - Brgy chairman dinampot sa pagpapaputok
abante gunshot - Brgy chairman dinampot sa pagpapaputok

ISANG barangay chairman ang naaresto samantalang isa ring lala-ki ang napatay matapos magresponde ang mga pulis sa dalawang kaso ng indiscriminate firing sa Batangas kamakalawa.

Batay sa report ng Batangas Provincial Police Office, dakong alas-10:30 nang umaga nang maaresto si Barangay Captain Leodegario Roxa­s, 44-anyos, matapos na ito ay walang habas na magpapaputo­k ng kanyang baril sa labas ng kanyang bahay sa Brgy. Sampalocan, Balete, Batangas.

Narekober dito ang isang kalibre .45 baril.

Inihahanda na ang kasong paglabag sa RA 10591 at Omnibus Election code laban dito.

Sa Tanauan City, nadatnan naman ng mga pulis na hawak-hawak pa ng suspek na si Isagani Latuna ang maiksing baril na ginamit nito sa walang habas na pagpapaputok sa Brgy. Bagbag dakong alas-10:00 nang gabi.

Subalit nang ipinapasuko ng mga pulis, pinutukan nito ng dalawang beses ang mga awtoridad na napilitang gumanti.

Nagtamo ng dalawang tama ng bala sa katawan ang suspek at isinugod sa ospital subalit idineklarang dead- on-arival ng doktor. (Ronilo Dagos)

The post Brgy chairman dinampot sa pagpapaputok appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *