Brazilian inmate natagpuang patay makaraang pumalpak sa pagpuga

MATAPOS mabigo sa tangkang pagpuga nang mag-disguise bilang kanyang anak na babae, natagpuang patay ang Brazilian gang leader sa piitan nitong Martes.

brazilian inmate natagpuang patay makaraang pumalpak sa pagpuga - Brazilian inmate natagpuang patay makaraang pumalpak sa pagpuga
dead 1 - Brazilian inmate natagpuang patay makaraang pumalpak sa pagpuga

MATAPOS mabigo sa tangkang pagpuga nang mag-disguise bilang kanyang anak na babae, natagpuang patay ang Brazilian gang leader sa piitan nitong Martes.

Ayon sa mga prison official, sinabing nagpakamatay si Clauvino da Silva ilang araw matapos ang naudlot na pagtakas.

Si da Silva ay isang gang leader ng mga drug trafficker sa Brazil, at sinentensyahan ng 73 taon sa kulungan.

Ang pagkamatay ni Da Silva ay kasunod ng gang battle sa piitan sa Northern Brazil na kumitil ng 57 katao.

Matatandaan na nahuli si da Silva sa pagtakas sa kulungan matapos makita ng mga opisyal sa closed circuit television (CCTV) suot ang silicone mask at nakadamit din ng pambabae.

Balak sana nitong pumuga at iwan ang kanyang anak sa loob ng kulungan ngunit napurnada.

Hindi ito ang unang pagkakataon na tinangka ni da Silva na makalabas ng piitan, noong 2013 ay sinubukan na rin niya sa pamamagitan ng pagdaan sa drainage system ngunit naaresto rin makalipas ang ilang buwan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *