‘Boy bastos’ bilang na ang mga araw

“THE Bawal Bastos Law is a game changer. It will promote positive policy, behavioral and cultural changes to end gender-­based harassment in public spaces.”

boy bastos bilang na ang mga araw - ‘Boy bastos’ bilang na ang mga araw
risa 2 - ‘Boy bastos’ bilang na ang mga araw

“THE Bawal Bastos Law is a game changer. It will promote positive policy, behavioral and cultural changes to end gender-­based harassment in public spaces.”

Ito ang inihayag kahapon ni Senadora Risa Hontiveros kasabay ng paglagda ng implementing rules at rules at regulations (IRR) ng Republic Act. No. 11313 o mas kilala sa tawag na Safe Spaces Act o Bawal Bastos Law.

Ayon kay Hontiveros, makakatulong ang nasabing batas sa walang patid na ‘gender-based harassment’ at karahasan sa pampublikong lugar at komunidad.

“Isa itong makasaysayang araw! Sa wakas, may IRR na ang Bawal Bastos Law! Bilang na ang mga araw ng mga ‘Boy Bastos’ at lahat ng sino man na gagawa ng gender-based public harassment,” sabi ni Hontiveros.

Magpapalakas din umano ito sa iba pa mga batas at polisiya laban sa gender-based harassment.

“If fully implemented, it will promote progressive changes in many aspects and levels. Rerepormahin nito ang ating mga batas at polisiya ukol sa gender-based public harassment,” sabi ni Hontiveros, principal author at sponsor sa Senado.

Nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Abril 17 ang ‘Bawal Bastos’ Law.

Sinumang lalabag sa batas na ito ay maaaring mabilanggo o patawan ng community service depende sa bigat ng violation.

Kabilang dito ang pagmumura, pagsutsot o pagsipol, paulit-ulit na sexual jokes, paggamit ng sexual names, offensive body gestures, pagpapakita ng pribadong parte ng katawan, stalking at iba pang uri ng pambabastos. (Dindo Matining)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *