Bowling legend Nepomuceno swak uli sa Guinness

Muling kinilala ang husay ni tenpin bowling legend Rafael ‘Paeng’ Nepomuceno ng Guinness World Record (GWR).

The post Bowling legend Nepomuceno swak uli sa Guinness first appeared on Abante.

bowling legend nepomuceno swak uli sa guinness - Bowling legend Nepomuceno swak uli sa Guinness
Paeng Nepomuceno 1 - Bowling legend Nepomuceno swak uli sa Guinness

Muling kinilala ang husay ni tenpin bowling legend Rafael ‘Paeng’ Nepomuceno ng Guinness World Record (GWR).

Kinumpirma ni Paeng, 63, ang kanyang bagong record, na kinamada sa Playdium Tenpin Bowling Association mixed open sa Quezon City kung saan wala pang nakakabali sa sunod-sunod niyang panalo.

Ang bagong marka ng Pinoy bowling hall of famer na pasok sa 2020 book edition ng WGR ay ang updated na na 133 titles niya mula sa dating 118.

Ang mga nasa WGR pang record niya ay ang “youngest tenpin bowling champion” sa panalo sa Tehran 1976 BWC sa edad na 18-anyos pa lang, “BWC titles in three decades” (1976, 1980, 1992, at 1996, at “most winning career titles” na 118 at kasalukuyang 133.

Si Nepomuceno ay consultant sa ngayon ng Philippine Bowling Federation, Inc. (PBFI) para sa national at women’s team. (Aivan Denzel Episcope)

The post Bowling legend Nepomuceno swak uli sa Guinness first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *