Boracay rehab epektib, turista bumaha – Berna

NAGBUNGA ang isinagawang rehabilitasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Boracay matapos na manumbalik ang kagandahan ng isla at muling sumipa ang turismo, ayon kay Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat.

The post Boracay rehab epektib, turista bumaha – Berna appeared first on Abante News Online.

boracay rehab epektib turista bumaha berna - Boracay rehab epektib, turista bumaha – Berna
puyat - Boracay rehab epektib, turista bumaha – Berna

NAGBUNGA ang isinagawang rehabilitasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Boracay matapos na manumbalik ang kagandahan ng isla at muling sumipa ang turismo, ayon kay Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat.

Sinabi ni Sec. Romulo-Puyat na nanumbalik ang sigla ng Boracay kahit pa naharap sila sa maraming limitasyon.

Saad ni Puyat, patuloy ang kanilang pakiki­pagtulungan sa ibang ahensya para magtuloy-tuloy ang rehabilitasyon ng isla, na matatandaang isinara sa publiko ng anim na buwan para bumaba ang coliform bacteria level ng karagatan.

Katulong ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ilang kalsada ang naisaayos at patuloy pang kinukumpuni, samantalang ang Tourism Infrastructure and Enterprise Zone ay sinisiguradong makumpleto ang drainage system sa malaparaisong lugar.

Patuloy din aniya ang paglago ng ekonomiya sa Boracay kasabay ng pagsisiguro na sumusunod lahat ng negosyo sa kanilang polisiya.
“We’ve accredited more than 300 accommodation establishments already. Our accreditation process is still on-going for those that are still non-compliant,” ayon sa kalihim.

Patuloy pa rin aniya ang pinatupad na limitadong pagtanggap ng turista sa isla, nakatakda sa 19,215 kada araw, para mapanatili ang kalinisan sa lugar.

Sa Disyembre inaasahan na matapos ang kumpletong rehabilitasyon ng Bora na isa sa mga malalaking accomplishment ng DOT.

“All efforts are on track to phase three (ng rehabilitasyon) as we continue to make Boracay as model of sustainable tourism,” ayon pa kay Puyat.
Bukod pa sa tagumpay sa Bora, lumago rin ang turismo sa ilang mga vacation spot tulad ng Siargao, patunay sa 7.1 million increase sa tourist visit kahit pa kalahating taon isinara ang Boracay. (Ray Mark Patriarca)

The post Boracay rehab epektib, turista bumaha – Berna appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *