Bongbong talo na sa bilang, talo pa sa raffle

Si Supreme Court (SC) Associate Justice Marvic­ Leonen na ang mahis­tradong hahawak sa electoral protest na inihain ni dating Senador Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. laban kay Vice President Leni Robredo.

bongbong talo na sa bilang talo pa sa raffle - Bongbong talo na sa bilang, talo pa sa raffle
leni x bongbong - Bongbong talo na sa bilang, talo pa sa raffle

Si Supreme Court (SC) Associate Justice Marvic­ Leonen na ang mahis­tradong hahawak sa electoral protest na inihain ni dating Senador Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. laban kay Vice President Leni Robredo.

Ayon sa mga source, ini-raffle ng SC ang poll protest at napunta kay Leonen matapos na matalo si Associate Justice Alfredo Benjamin ­Caguioa sa botahan noong Oktubre 15.

Si Caguioa kasama si retired Senior Associate Justice Antonio Carpio, ay naunang nagnais na ipabasura ang electoral protest matapos makitaang walang ‘substantial recovery of votes’ sa resulta ng initial recount sa tatlong pilot province na pinili ni Marcos.

Sa naturang recount, lumobo ang lamang ni Robredo sa 15,000 o kabuuang 263,000-boto kontra kay Marcos.

Isa si Leonen sa bumoto kasama ng 10 iba pang mahistrado para bigyan sina Robredo at Marcos ng oras na magkomento sa inisyal na resulta ng manual recount ng Presidential Electoral Tribunal (PET).

Naghain naman ng mosyon ang kampo ni Marcos na humihiling na ipagpaliban muna ng PET ang kanilang pagsusumite ng komento kaugnay sa inilabas na resulta ng revision ng recount sa tatlong pilot province noong Oktubre 15. (Lorraine Gamo)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *