Bong Revilla hinarang si De Lima sa sesyon

MARIING tinutulan ni Senador Ramon ‘Bong’ Revilla, Jr. ang petisyon na payagang makasali sa sesyon ng Senado sa pamamagitan ng teleconferencing si Senadora Leila de Lima na ayon sa kanya’y isang uri ng ‘special treatment’.

bong revilla hinarang si de lima sa sesyon - Bong Revilla hinarang si De Lima sa sesyon
bong 21 - Bong Revilla hinarang si De Lima sa sesyon

MARIING tinutulan ni Senador Ramon ‘Bong’ Revilla, Jr. ang petisyon na payagang makasali sa sesyon ng Senado sa pamamagitan ng teleconferencing si Senadora Leila de Lima na ayon sa kanya’y isang uri ng ‘special treatment’.

“The double standards and sense of entitlement of some people are frankly quite disheartening,” sabi ni Revilla sa isang statement kahapon.

Ayon sa senador, noong panahon na siya’y nakakulong sa Camp Crame, tinutulan diumano ng ilang personalidad ang kanyang partisipasyon sa Senate proceedings noon.

“When I was incarcerated due to politically motivated charges, which the Court has finally settled in my acquittal, a very vocal group were against my participation in Senate proceedings,” sabi ni Revilla.

“It is funny that among that group were Leila De Lima herself and some of those signatories in the open letter released yesterday,” pagpapatuloy nito.

Ang tinutukoy ni Revilla ay ang ‘collective statement’ na naunang inilabas sa media kung saan hinikayat ang Senado na payagang mag-participate sa Senate session si De Lima.

Ang statement ay nilagdaan nina dating Pangulong Benigno Aquino III, mga dating Senador na sina Rene Saguisag, Wigberto Tañada Sr., Bam Aquino, Sonny Trillanes, Mar Roxas, Serge Osmeña at Francisco Tatad.

Noong nakakulong diumano sila noong kasama sina dating Senador Juan Ponce Enrile at Jinggoy Estrada, sinabi ng da­ting liderato ng Senado noon na hindi sila kawalan sa institusyon.

“Wala yang pinagkaiba sa sitwasyon ko noon. Halatang halata naman ang special treatment ‘pag pinayagan ‘yan nga­yon,” ani Revilla.

(Dindo ­Matining)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *