Bong Go sa mga supporter: Lalaban tayo nang patas

NAKIUSAP si dating Special Assistant to the President at senatorial candidate Christopher Lawrence ‘Bong’ Go sa kanyang mga supporter na sumunod sa ipinag-uutos ng Commission on Elections (Comelec) hinggil sa pagpapaskil ng kanyang mga campaign material sa mga lugar na ipinagbabawal.

The post Bong Go sa mga supporter: Lalaban tayo nang patas appeared first on Abante News Online.

bong go sa mga supporter lalaban tayo nang patas - Bong Go sa mga supporter: Lalaban tayo nang patas
bong 3 - Bong Go sa mga supporter: Lalaban tayo nang patas

NAKIUSAP si dating Special Assistant to the President at senatorial candidate Christopher Lawrence ‘Bong’ Go sa kanyang mga supporter na sumunod sa ipinag-uutos ng Commission on Elections (Comelec) hinggil sa pagpapaskil ng kanyang mga campaign material sa mga lugar na ipinagbabawal.

Bilin ni Go, tanggalin na ang campaign materials at posters nito na nakapaskil sa mga lugar na pinagbabawal ng Comelec upang sa huli ay hindi sila mapanagot ng paglabag sa election laws.

“Paalala sa supporters ko, lalaban tayo ng patas at naaayon sa batas. Kung may nakikita kayong mater­yales na nakakabit sa lugar na bawal pagkabitan, magtulungan tayong tanggalin,” sabi ni Go.

Ang panawagan ni Go ay kasunod ng pakikiusap ng Comelec sa kanyang tanggapan na alisin ang Malasakit posters na nakapaskil sa government-run hospitals.

“Paulit-uli ko na po sinabi, tanggalin ninyo na po mukha at pangalan ko sa posters at tarps. Huwag ninyo na po ikabit iyan. Itulong ninyo na lang sa mga nanga­ngailangan,” sabi pa nito.

The post Bong Go sa mga supporter: Lalaban tayo nang patas appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *