Bong Go manalo o matalo tuloy ang serbisyo

MAGTAGUMPAY man o hindi sa kanyang kandidatura sa pagka-senador, magpapatuloy ang pagsisilbi sa bayan ni dating Special Assistant to the President Bong Go.

The post Bong Go manalo o matalo tuloy ang serbisyo appeared first on Abante News Online.

bong go manalo o matalo tuloy ang serbisyo - Bong Go manalo o matalo tuloy ang serbisyo
ABANTE bong go 3 - Bong Go manalo o matalo tuloy ang serbisyo

by Aileen Taliping

MAGTAGUMPAY man o hindi sa kanyang kandidatura sa pagka-senador, magpapatuloy ang pagsisilbi sa bayan ni dating Special Assistant to the President Bong Go.

Ipinahayag ito ni Go sa harap na rin ng nalalabing ilang araw ng kampanya bago ang May 13 midterm elections.

Aminado si Go na kabado rin dahil isa siya sa mga baguhang probinsyano na susu­bok pumalaot sa politika pero umaasa siyang makakalusot sa dara­ting na eleksyon batay na rin sa nakitang pagtanggap sa kanya ng mga tao sa mga pinuntahang lugar sa bansa.

Ayon kay Go, naniniwala ang mayoryang Pilipino kay Pangulong Rodrigo Duterte at karamihan sa mga supporter niya ay mga sumusuporta sa Pangulo.

Sinabi ng dating kalihim na hindi lamang pangangampanya ang ginagawa niya sa kanyang pag-iikot kundi nakikihalubilo rin siya sa taumbayan para marinig ang kanilang mga hinaing para ma­ging mas madali ang kanyang pagtulong sa mga ito.

Tiniyak din ni Go na tuloy siya sa pag-iikot hanggang sa hu­ling araw ng kampanya para maabot ang mas maraming tao.

The post Bong Go manalo o matalo tuloy ang serbisyo appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *