Bong Go inudyukan ni Digong na mag-presidente

HINDI pa man nakaka­pagsimula sa termino bilang bagong senador ay pagka-presidente naman ang iniisip ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte kay senator-elect Bong Go.

The post Bong Go inudyukan ni Digong na mag-presidente appeared first on Abante News Online.

bong go inudyukan ni digong na mag presidente - Bong Go inudyukan ni Digong na mag-presidente
bong go 1 - Bong Go inudyukan ni Digong na mag-presidente

HINDI pa man nakaka­pagsimula sa termino bilang bagong senador ay pagka-presidente naman ang iniisip ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte kay senator-elect Bong Go.

Sa kanyang talum­pati sa thanksgiving party para kay Go sa Davao City, Huwebes nang gabi, sinabi ng Pangulo na matindi na ang problema sa iligal na droga sa bansa.

Pati aniya anak ng mga kaibigang opisyal ay nalulong na rin sa iligal na droga kaya hiniling nito kay Go na tapusin ang problema sakaling mag-presidente ito.

“Alam mo hindi ko talaga akalaing ganito. Mga anak ng kaibigan ko P***i**. I don’t know where he is but if I see him today, I’ll kill him. I have Bong. Baka ma-presidente ka, tapusin mo na lahat,” anang Pangulo.

Tinukoy ng Pangulo ang GSIS kung saan marami aniyang nagumon at sangkot sa illegal drugs.

Pati aniya mga anak ng opisyal ay nagkakaproblema sa kabila ng maigting na kampanya kontra iligal na droga kaya hindi siya natutuwa sa mga nangyayari sa ngayon.

“‘Yung mga bata, diyan sa GSIS, marami. Hindi ko lang masabi. Anak ng mga opisyal, nagkakaproblema sila,” dagdag ng Pangulo. (Aileen Taliping)

The post Bong Go inudyukan ni Digong na mag-presidente appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *