BOC sa mga oil company: Magpamarka na!

PUSPUSAN ang ginagawang fuel marking sa isa pang batch ng Mogas Base Fuel na tinatayang nasa 11.6 milyong litro na lulan ng MT Sichem Mumbai na muli nilang minarkahan sa loob ng import terminal facility ng Unioil sa Bataan noong Nobyembre 3, 2019.

boc sa mga oil company magpamarka na - BOC sa mga oil company: Magpamarka na!
BOC 7 - BOC sa mga oil company: Magpamarka na!

PUSPUSAN ang ginagawang fuel marking sa isa pang batch ng Mogas Base Fuel na tinatayang nasa 11.6 milyong litro na lulan ng MT Sichem Mumbai na muli nilang minarkahan sa loob ng import terminal facility ng Unioil sa Bataan noong Nobyembre 3, 2019.

Kasunod ito ng pagsisimula ng mga marking activity ng mga petroleum product ng Insular Oil Corporation sa Subic noong nakaraang linggo.

Sa kasalukuyan, nasa 94.9 milyong litro na ng fuel ang namarkahan sa Unioil simula nang isagawa ang initial marking noong Oktubre 22, 2019.

Katumbas ito ng nakolektang duties and taxes na nagkakahalaga ng P719 milyon.

Sinabi ni Customs Deputy Commissioner for Enforcement Teddy Raval, pinuno ng implemen­ting office ng fuel marking program na ang mga oil firm na hindi pa nakapagsasagawa ng fuel marking ay mahigpit nilang hinihikayat na makipagtulu­ngan sa mga concerned agency upang makaiwas sa prosekusyon.

Sa Pebrero 3, 2020 ay sisimulan na ang natio­nwide testing ng fuel sa retail side ng Bureau of Customs (BOC), Bureau of Internal Revenue (BIR), Department of Finance (DOF) at SICPA-SGS.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *