BOC nalugi ng ₱500M sa nawalang 641 container

BOC nalugi ng ₱500M sa nawalang 641 container

NALUGI ang Bureau of Customs (BOC) ng P100 milyon hanggang kalahating bilyong piso dahil sa pagkawala ng higit sa 600 container sa Port of Manila.

The post BOC nalugi ng ₱500M sa nawalang 641 container appeared first on Abante News Online.

boc nalugi ng e282b1500m sa nawalang 641 container - BOC nalugi ng ₱500M sa nawalang 641 container
boc 1 - BOC nalugi ng ₱500M sa nawalang 641 container

NALUGI ang Bureau of Customs (BOC) ng P100 milyon hanggang kalahating bilyong piso dahil sa pagkawala ng higit sa 600 container sa Port of Manila.

Ang mga container ay nawala sa pagitan ng buwan ng Abril hanggang Agosto 2018 sa panahon ng panunungkulan ni dating BOC Commissioner Isidro Lapeña.

Natuklasan lamang ito noong Enero matapos ang isinagawang evaluation ng BOC sa Port of Manila.

Isiniwalat ni Customs Assistant Commissioner Jet Maronilla na isang special investigation committee ang agad na nilikha ni Commissioner Rey Leonardo Guerrero noong Pebrero 22 kung saan kinagabihan ay nasunog naman ang gusali ng BOC-Port of Manila.

Narekober naman ng mga imbestigador ang mga mahalagang dokumento at sa isinagawang imbestigasyon simula Pebrero hanggang Mayo ng kasalukuyang taon, nakumpirma na ang nawawalang 641 shipping container ay dineklarang “ship spares” upang makaligtas sa pagbabayad ng buwis.

Ang mga container ay prinoseso sa pamamagitan ng Informal Entry Division kaya’t hindi pumasok sa computer system monito­ring. Ang mga pinuslit na container ay posibleng naglalaman umano ng mga bigas, asukal o sigarilyo.

Ayon pa sa ulat ng GMA News, limang opisyal ng BOC ang sinisiyasat na sa posibleng “gross neglect of duty” at isinampa na rin ang administrative sa iba bang sangkot.

Wala pang reaksyon si Lapeña hinggil sa pagkawala ng mga container sa panahon ng kanyang termino.

The post BOC nalugi ng ₱500M sa nawalang 641 container appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *