BOC kumilos vs substandard na bakal

UMAKSYON na si Bureau of Customs (BOC) Commissioner Leonardo Rey Guerrero laban sa importasyon ng mga bakal bunsod ng ulat na pagbaha ng mga substandard na produkto.

boc kumilos vs substandard na bakal - BOC kumilos vs substandard na bakal
boc 2 - BOC kumilos vs substandard na bakal

UMAKSYON na si Bureau of Customs (BOC) Commissioner Leonardo Rey Guerrero laban sa importasyon ng mga bakal bunsod ng ulat na pagbaha ng mga substandard na produkto.

Napag-alaman na pinag-utos ni Guerrero na lahat ng importasyon ay dumaan sa post clearance audit at profiling ng mga importer.

Ito ang naging aksyon ng BOC chief sa ulat na ilang opisyal ng Aduana at Department of Trade and Industry (DTI) ay nagsasabwatan para sa pagpasok ng mga mahinang klase ng bakal.

Kasalukuyan nang iniimbestigahan ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) ang umano’y technical ­smuggling sa importasyon ng mga substandard na bakal.

Malaking halaga umano ang nalulugi sa gobyerno dahil sa pakikipagsabwatan ng mga opisyal ng gobyerno sa importer ng bakal sa bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *