BOC corruption sisilipin ng NBI

Dating BOC official isinabit sa large-scale estafa

INATASAN ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang National Bureau of Investigation (NBI) na magsagawa ng komprehensibong imbestigasyon sa mga katiwalian sa Bureau of Customs (BOC).

The post BOC corruption sisilipin ng NBI appeared first on Abante News Online.

boc corruption sisilipin ng nbi - BOC corruption sisilipin ng NBI
BOC 3 - BOC corruption sisilipin ng NBI

INATASAN ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang National Bureau of Investigation (NBI) na magsagawa ng komprehensibong imbestigasyon sa mga katiwalian sa Bureau of Customs (BOC).

Sa Department Order 383 may petsang July 26, inatasan ni Guevarra si NBI Director Dante Gierran “to conduct a thorough investigation and build up on the alleged graft and corrupt practices of the Bureau of Customs.”

Inatasan din ang NBI na magsampa ng kaso kung may sapat na ebidensyang makakalap.

Pinagsusumite ni Guevarra ang NBI ng report sa progreso ng imbestigasyon at case build-up diretso mismo sa kanyang tanggapan.

Ginawa ni Guevarra ang hakbang na ito bilang pagtalima sa sinabi ni President Rodrigo R. Duterte sa kanyang State of the Nation Address (SONA).
Bukod kay Guevarra, kumilos na rin si Ombudsman Samuel Martires para maimbestigahan ang corruption sa BOC. (PNA)

The post BOC corruption sisilipin ng NBI appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *