BOC chief kinasuhan sa Ombudsman

KINASUHAN sa Office of the Ombudsman nitong Huwebes si Bureau of Customs Commissioner Rey Guerrero at ilan pa sa kanyang mga opisyal dahil sa pagtalaga ng personnel kahit walang official document, partikular na si George Patrick Avila ng BOC Risk Management Office (RMO).

boc chief kinasuhan sa ombudsman - BOC chief kinasuhan sa Ombudsman
2019 Abante BOC - BOC chief kinasuhan sa Ombudsman

KINASUHAN sa Office of the Ombudsman nitong Huwebes si Bureau of Customs Commissioner Rey Guerrero at ilan pa sa kanyang mga opisyal dahil sa pagtalaga ng personnel kahit walang official document, partikular na si George Patrick Avila ng BOC Risk Management Office (RMO).

“Subsequently, res­pondent Avila, without any appointment and through the consent and acquiescence of res­pondents Guerrero and Ramiro, began perfor­ming the official functions of the Chief of RMO, which is under the office of the Deputy Commissioner of the Intelligence Group,” ayon sa reklamo ni Joana Marie Gonzales ng Transparency in Public Service (TIPS).

Kasama sa kinasuhan si Deputy Commissioner for Intelligence Raniel Ramiro dahil sa pinahintulutan umano nito si Avila na magtrabaho simula noong Pebrero kahit walang official appointment.

“Avila certainly could have not performed the official functions […] without the concurrence and consent of respondent Ramiro and respondent Guerrero,”dagdag ni Gonzales.

Sina Guerrero, Ra­miro at Avila ay kinasuhan ng graft at grave misconduct.

Nilabag din umano ni Avila ang Article 177 ng Revised Penal Code dahil sa usurpation of authority.

Hiniling din ng complainant ang preventive suspension ng tatlong opisyal ng BOC.

Ayon naman kay BOC spokesperson Jet Maronilla, hindi pa natatanggap ng mga respondent ang kopya ng reklamo. (Yves Briones)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *