Bobo bawal sa opisina ng lady solon

kartada

The best and the brightest daw ang gustong makasama ng isang mambabatas sa kanyang opisina.

The post Bobo bawal sa opisina ng lady solon appeared first on Abante News Online.

bobo bawal sa opisina ng lady solon - Bobo bawal sa opisina ng lady solon
kartada11 - Bobo bawal sa opisina ng lady solon

The best and the brightest daw ang gustong makasama ng isang mambabatas sa kanyang opisina.

Kaya ang requirement ng lady solon, kailangang nasabitan ng medalya ang mga taong nag-aaplay ng trabaho sa kanyang tanggapan.

Gusto ng mambabatas na cum laude, magna cum laude o summa cum laude ang mga staff nito.

May Latin honor kasi ang mambabatas kaya’t ayaw niyang napapalibutan siya ng bobong staff.

Hindi importante sa kanya kung maganda o pangit ang staff basta’t may utak ay pasado sa panlasa ng mambabatas.

Ang exempted lang sa kanyang pamantayan ay yaong mga bodyguard dahil tapang naman ang pangunahing qualification dito.

Pintahan niyo na. Ang mambabatas na ayaw na may bobo sa kanyang opisina ay kilalang eleganteng magsuot. May letrang L sa kanyang pangalan as in Lovely.

The post Bobo bawal sa opisina ng lady solon appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *