BNPP ‘di sagot sa murang kuryente – Gatchalian

Sa halip unahin ang pagbubukas ng Bataan Nuclear Power Plant (BNPP), iminungkahi ni Senador Win Gatchalian sa Department of Energy (DOE) na pagsumikapan na lamang nitong itaguyod ang isang matatag na pundasyon para sa nuclear energy policy ng bansa.

The post BNPP ‘di sagot sa murang kuryente – Gatchalian first appeared on Abante.

bnpp di sagot sa murang kuryente gatchalian - BNPP ‘di sagot sa murang kuryente – Gatchalian
win 4 - BNPP ‘di sagot sa murang kuryente – Gatchalian

Sa halip unahin ang pagbubukas ng Bataan Nuclear Power Plant (BNPP), iminungkahi ni Senador Win Gatchalian sa Department of Energy (DOE) na pagsumikapan na lamang nitong itaguyod ang isang matatag na pundasyon para sa nuclear energy policy ng bansa.

Ayon sa senador, may mga kaukulang prosesong dapat pagdaanan sa paglalatag ng polisiya sa paggamit ng nuclear energy at ang mga bagay na ito ay nangangailangan ng masinsinang pag-aaral.

“Dapat mas pinaggugugulan natin ng panahon ngayon ang mga kaukulang batas na dapat ipasa, pagtatatag ng mga regulasyon at pagkumbinsi sa publiko kung bakit kailangan natin ng ganitong polisiya,” ayon sa Chairman ng Senate Energy Committee.

Iginiit ni Gatchalian na kung aayusin ang BNPP, mapapagastos pa ang gobyerno ng kulang kulang na $1 billion at walang garantiya aniya na ang paggamit nito ay magpapababa sa presyo ng kuryente sa bansa.

“Hindi totoo na mababa ang presyo. Dahil sa dami ng safety procedures at technology na ilalagay mo, tumataas yung presyo, tulad ng naging karanasan ng Vietnam,” sabi ng senador.

“Itong BNPP ay more than 40 years old na. Obsolete na. Kaya sa aking pag-aanalisa, mas maganda pang magpatayo ng bagong planta dahil obviously mas marami nang bagong teknolohiya at mga bagong safety procedures na naaangkop sa panahon ngayon,” sambit pa nito. (Dindo Matining)

The post BNPP ‘di sagot sa murang kuryente – Gatchalian first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *