Blended learning magtatagumpay kahit pandemya – Duterte

Umaasa si Pangulong Rodrigo Duterte na mapanatili ang epektibong pagtuturo sa gitna ng kinakaharap na COVID pandemic sa bansa.

The post Blended learning magtatagumpay kahit pandemya – Duterte first appeared on Abante.

blended learning magtatagumpay kahit pandemya duterte - Blended learning magtatagumpay kahit pandemya – Duterte
Blended learning - Blended learning magtatagumpay kahit pandemya – Duterte

Umaasa si Pangulong Rodrigo Duterte na mapanatili ang epektibong pagtuturo sa gitna ng kinakaharap na COVID pandemic sa bansa.

Sa kanyang mensahe sa opisyal na pagbubukas ng klase ng mga estudyante ngayong Lunes, sinabi ng Pangulo na malaking hamon para sa mga estudyante, guro at mga magulang ang bagong sistema ng pagtuturo dahil sa epekto ng COVID-19.

” This time ushers in a new era in our basic education program as we now ventured into distance and online learning. A challenging frontier not only for students and teachers,but for parents and guardians as well,” anang Pangulo.

Maituturing aniyang mahalagang okasyon ang balik eskuwela kahapon dahil sa kabila ng dinaranas na COVID crisis ay naisulong ang pagbubukas ng klase ng milyon-milyong estudyante sa bansa.

” The school opening this year is momentous occasion because it is pushing through despite global health crisis due to COVID-19. Indeed, nothing can get in the way of instruction and formation of our learners, not even a pandemic, ” dagdag ng Pangulo.

Kasabay nito ay pinapurihan ni Duterte ang Department of Education (DepEd) at mga stakeholders dahil sa mga pagsisikap na maisakatuparan ang pagbubukas ng klase sa gitna ng pandemya.

Hangad ni Pangulong Duterte na mapanatili ang epektibong pag-aaral kahit wala sa mga paaralan ang mga estudyante , kalakip ang pag-asa na malagpasan ang mga pagsubok at balakid sa bagong sistema ng edukasyon.

” May this school year be marked with strong hopes and optimism that effective learning will take place even amidst the odds and challenges,” wika pa ni Pangulong Duterte.

Hinimok ng Presidente ang sambayanan na magtulungan para makamit ang mas maraming kaalaman, kaliwanagan at inspirasyon na magsisimula sa mga kabataan.(Aileen Taliping)

The post Blended learning magtatagumpay kahit pandemya – Duterte first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *