Black sand mining sa Cagayan pinaiimbestigahan

Kinalampag ng Pinoy Aksyon for Governance and the Environment (Pinoy Aksyon) ang lokal na pamahalaang lokal ng Cagayan para imbestigahan ang operasyon ng iligal na pagmimina rito na kontrolado umano ng mga negosyanteng Intsik.

The post Black sand mining sa Cagayan pinaiimbestigahan first appeared on Abante.

black sand mining sa cagayan pinaiimbestigahan - Black sand mining sa Cagayan pinaiimbestigahan
Cagayan 3 - Black sand mining sa Cagayan pinaiimbestigahan

Kinalampag ng Pinoy Aksyon for Governance and the Environment (Pinoy Aksyon) ang lokal na pamahalaang lokal ng Cagayan para imbestigahan ang operasyon ng iligal na pagmimina rito na kontrolado umano ng mga negosyanteng Intsik.

Ayon kay Pinoy Aksyon chairperson BenCyrus Ellorin, laging sinisisi sa iligal na pagtotroso at pagmimina ang mga pagbaha kapag may malalakas na bagyo sa bansa.pero sa umpisa.lang naman umano masigasig ang pagsisiyasat dito.

Hiniling ng grupo kina Cagayan Gov. Manuel Mamba at 2nd district Rep. Samantha Louise V. Alfonso na mapaimbestigahan ang paghuhukay ng milyung-milyong metriko tonelada ng lupa at buhangin sa bayan ng Claveria na ipinadadala umano sa China at mga kalapit pang bansa tulad ng Hongkong para sa kanilang imprastraktura.

“The question is what has been done? Shall we wait for another disaster to again look into illegal mining and logging,? ayon pa dito.

Diin niya, ang mga nasabing iligal na gawain ang wawasak sa mga baybaing dagat at dalampasigan.

Maaapektuhan din aniya nito ang mga Build project ng gobyerno dahil sa inaasahang pagsirit ng presyo ng mga panambak na buhangin, bato at nga kauri nito.

Ang Pinoy Aksyon ay isang independyenteng grupo na nagbabantay at nagtataguyod ng pangangalaga sa kapaligiran at demokrasya.(Mia Billones)

The post Black sand mining sa Cagayan pinaiimbestigahan first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *