Birthday boy tigok sa beach party

PATAY ang 53-anyos na lalaking nagdiwang ng kaarawan sa beach party makaraang malunod sa bayan ng Virac, Catanduanes kamakalawa.

birthday boy tigok sa beach party - Birthday boy tigok sa beach party
ABANTE lunod3 - Birthday boy tigok sa beach party

PATAY ang 53-anyos na lalaking nagdiwang ng kaarawan sa beach party makaraang malunod sa bayan ng Virac, Catanduanes kamakalawa.

Wala nang malay at hindi na humihinga nang matagpuan sa ilalim ng dagat ang biktimang nakilalang si Jose Naman, binata, karpintero at residente ng Brgy. Danicop ng nabatid na bayan.

Sa imbestigasyon ng Virac Municipal Police Station, nagkaya­yaang maligo sa dagat sakop ng Brgy. Balite sa ba­yan ng Virac ang biktima, kaibigan nito at kamag-anak para sa selebrasyon ng kaarawan ng una.

Nagkaroon ng inuman Huwebes nang hapon bago nagkayayaang lumangoy sa dagat ang mga ito, su­balit makalipas ang ilang minuto ay napansin ng mga kasama na nawawala ang biktima kaya agad nila itong hinanap hanggang sa ilalim ng tubig.

Dakong alas-4:30 ng hapon na nang matagpu­an ito ng isa niyang kamag-anak sa ilalim ng tubig at hindi na humihinga kaya agad nila itong dinala sa Eastern Bicol Medical Center subalit hindi na naisalba pa ang buhay ng biktima.

Samantala payo ng pulisya, kapag nakainom na ng alak at lasing na ay huwag na munang luma­ngoy sa dagat dahil sa mabigat ang katawan ng isang tao na kadalasang nauuwi sa pagkalunod. (Edwin Balasa)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *