BIR payroll sytem salto, kaya pasahod sobra

SINITA ng Commission on Audit (COA) ang Bureau of Internal Reve­nue (BIR) dahil sa pagsalto ng kanilang payroll system na nagresulta ng sobra-sobrang pasahod sa kanilang mga empleyado.

The post BIR payroll sytem salto, kaya pasahod sobra appeared first on Abante News Online.

bir payroll sytem salto kaya pasahod sobra - BIR payroll sytem salto, kaya pasahod sobra
BIR 1 - BIR payroll sytem salto, kaya pasahod sobra

Ni: Allan Yves Briones

SINITA ng Commission on Audit (COA) ang Bureau of Internal Reve­nue (BIR) dahil sa pagsalto ng kanilang payroll system na nagresulta ng sobra-sobrang pasahod sa kanilang mga empleyado.

“The Monthly Payroll…is computed and prepared in advance by the Payroll Division even if the SRA and DTRs are not yet received. Since payment of salaries are done on a weekly basis, the determination as to who incurs leave without pay comes rather late which resulted to overpayment of salaries,” nakasaad sa COA report.

Sa ilalim ng Revenue Memo Order (RMO) No. 28-2008 ang hindi pagsusumite ng Summary Report of Attendance (SRA) at Daily Time Record (DTR) ay ikinukonsiderang administrative offense.

“And yet according to the bureau’s Payroll Division: “There were times that the timekeeper of the division failed to submit the SRA and DTRs on due date, therefore, they have no information whether the employee has no more leave credits,” ayon pa sa COA.

Samantala sinita rin ng COA ang BIR dahil sa kabiguang gamitin ang
P57M nakalaan para pambayad sa kanilang personnel services kabilang ang retirement at life insurance premiums noong 2018.

Nakaraang taon ay nasita rin ng COA ang BIR dahil sa hindi pagre-remit ng tax at social contribution ng kanilang mga empleyado.

The post BIR payroll sytem salto, kaya pasahod sobra appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *