BIR babalasahin sa korapsyon

Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Bureau of Internal Revenue Commissioner Ceasar Dulay na magpatupad ng rigodon sa kanyang mga opisyal at tauhan dahil sa isyu ng korapsiyon sa ahensiya.

The post BIR babalasahin sa korapsyon first appeared on Abante.

bir babalasahin sa korapsyon - BIR babalasahin sa korapsyon
abante BIR - BIR babalasahin sa korapsyon

Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Bureau of Internal Revenue Commissioner Ceasar Dulay na magpatupad ng rigodon sa kanyang mga opisyal at tauhan dahil sa isyu ng korapsiyon sa ahensiya.

Sa kanyang regular na mensahe sa bayan, inanunsiyo ng Pangulo ang listahan ng BIR officials na nasuspinde at tuluyang inalis sa serbisyo dahil sa katiwalian, at isa-isang binasa ang pangalan ng mga ito.

Sinabi ng Pangulo kay Dulay na ilagay sa floating status at huwag bigyan ng assignment ang mga tauhan at opisyal nito na mayroong reputasyon na gumagawa ng milagro.

“I’d like to request Atty. Dulay sa BIR na magbalasa ka. Magbalasa ka ng tao tapos ibigay mo sa akin ang listahan and I will review if it would promote the service of these people to the country,” anang Pangulo.

Inatasan din ni Pangulong Duterte ang lahat ng director sa mga departamento ng gobyerno na aksiyonan ang kanilang mga tauhang gumagawa ng milagro para hindi madamay ang mga ito sa kanilang kalokohan. (Aileen Taliping)

The post BIR babalasahin sa korapsyon first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *