Binugaw ng kababayan: 34 Chinese nailigtas sa prostitusyon

NASAGIP ng Natio­nal Bureau of Investigation (NBI) sa Central Visayas ang 34 na babaeng Chinese national mula sa KTV bar na pag-aari umano ng kanilang kababayan at nagsasagawa ng prostisyon sa Lapu-Lapu City, Cebu.

binugaw ng kababayan 34 chinese nailigtas sa prostitusyon - Binugaw ng kababayan: 34 Chinese nailigtas sa prostitusyon
ABANTE kulong - Binugaw ng kababayan: 34 Chinese nailigtas sa prostitusyon

NASAGIP ng Natio­nal Bureau of Investigation (NBI) sa Central Visayas ang 34 na babaeng Chinese national mula sa KTV bar na pag-aari umano ng kanilang kababayan at nagsasagawa ng prostisyon sa Lapu-Lapu City, Cebu.

Ayon kay NBI 7 Director Tomas Enrile, pitong NBI agent ang nagpanggap na kostumer noong Lunes at nagba­yad ng P35,000 para mai-take out ang tatlong babaeng Chinese.

Dahil sa operasyon laglag sa mga awtoridad sina Zeng Dan, Quan Yiquing, Xiuzhu Wei at Xiushen Wei dahil sa pag­labag sa RA 9208 o Anti-Trafficking in Persons Act of 2003 kaugnay ng RA 10364 o Expanded Anti-Trafficking in Persons Act of 2012.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang NBI para matukoy mayroong pang kasabwat ang apat na nadakip dahil sa iligal na aktibidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *