Biniling P2B jet, hindi presidential plane – Lorenzana

Nilinaw ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na hindi para maging presidential plane ang binili ng gobyerno na Gulfstream G280 aircraft sa halagang P2 bilyon.

biniling p2b jet hindi presidential plane lorenzana - Biniling P2B jet, hindi presidential plane – Lorenzana
jet - Biniling P2B jet, hindi presidential plane – Lorenzana

Nilinaw ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na hindi para maging presidential plane ang binili ng gobyerno na Gulfstream G280 aircraft sa halagang P2 bilyon.

Ani Lorenzana, isa itong command at control plane ng Department of National Defense.

Kinakailangan umano ang naturang aircraft para sa modernization program ng Armed Forces of the Philippines.

“This particular aircraft is being acquired for the purpose of keeping pace with current technological advancement. This type of aircraft is necessary for a 24/7 real-time command and control, especially during crisis situation,” paliwanag ni Lorenzana.

Dagdag pa niya, gagamitin ang jet para sa “mercy flights” ng mga sugatang sundalo at sibilyan para madali silang madala sa mga ospital.

Maaari rin umano itong gamitin ng mga gabinete at iba pang matataas na opisyal ng gobyerno sa kanilang official trips.

Nakatakdang ideliber ang American-built jet Gulfstream G280 sa kalagitnaan ng 2020. (IS)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *