Bingbong, anak dinampot sa bisperas ng eleksyon

DINAKIP si Quezon City mayoral candidate at 1st District Representative Vincent ‘Bingbong’ Crisologo at anak nitong si Atty. Edrix Crisologo dahil umano sa “vote buying” nitong Linggo nang gabi.

The post Bingbong, anak dinampot sa bisperas ng eleksyon appeared first on Abante News Online.

bingbong anak dinampot sa bisperas ng eleksyon - Bingbong, anak dinampot sa bisperas ng eleksyon
ABANTE bingbong - Bingbong, anak dinampot sa bisperas ng eleksyon

By Dolly Cabreza

DINAKIP si Quezon City mayoral candidate at 1st District Representative Vincent ‘Bingbong’ Crisologo at anak nitong si Atty. Edrix Crisologo dahil umano sa “vote buying” nitong Linggo nang gabi.

Batay sa pahayag ni QCPD Director P/Brig. General Joselito Esquivel Jr., pasado alas-10:00 nang gabi ay may nagsumbong sa kanila na may nagaganap umanong bilihan ng boto sa Brgy. Bahay Toro, kaya mabilis silang nagtungo sa lugar upang beripikahin ang sumbong at nang mabatid na positibo ang reklamo ay inaresto ang nasa 40 katao.

Habang dinadala sa estasyon ng pulisya ang mga inaresto ay duma­ting umano si Rep. Crisologo at anak nito at tinatangka umanong pigilan ang mga pulis sa kanilang ginagawa kaya nagkaroon ng mainitang pagtatalo kaya maging sila ay pinosasan at inaresto.

“He was arrested in the vote buyin­g site under police operation, as of now, he is being investigated as to what is his business there,” ayon kay Gen. Esquivel.

Pansamantalang pinigil sa kustodiya ng pulisya sa Camp Karingal si Crisologo at anak nito at sumasai­lalim sa masusing imbestigasyon, at makalipas ang ilang oras ay pinalaya din ng piskalya.

Bukod sa “vote buying” ay nakatakda ring kasuhan ng obstruction of justice ang mag-amang Crisologo dahil sa kanilang pakikialam sa police operation.
Samantala, mariin namang pina­bulaanan ng mag-amang Crisologo ang akusasyon ng vote buying.

Ayon kay Bingbong, nagtungo lamang sila sa lugar matapos na may tumawag sa kanilang tagasuporta at ipinagbigay-alam ang insidente nang pag-aresto sa kanilang mga watcher para sa eleksyon ngayong araw.

Kaagad aniya silang nagtungo ng kanyang anak na si Atty. Edrix dahil ito’y isang abogado.

Laking gulat na lang umano nila nang habang inaalam ang mga kaganapan ay bigla na lang dumating si Lt.Col. Alex Alberto, hepe ng Talipapa, Police Station 3 ng QCPD at kaagad silang inaresto at pinosasan.

Iginigiit naman ni Atty. Edrix na iligal ang pag-aresto sa kanila dahil walang search warrant ang mga pulis nang pasukin ang tahanang kinaroroonan ng kanyang mga tagasuporta, hindi naka-uniporme ang mga pulis at pawang nakatsinelas lamang, at hindi rin aniya sila binasahan ng kanilang Miranda rights.

The post Bingbong, anak dinampot sa bisperas ng eleksyon appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *