Binagyo sa Virac, gutom na

Umapela ng tulong si Virac Mayor Sinfroso Sarmiento Jr., dahil sa gutom na nakaamba sa kanilang lugar matapos na salantain ng bagyong Rolly.

The post Binagyo sa Virac, gutom na first appeared on Abante.

binagyo sa virac gutom na - Binagyo sa Virac, gutom na
sinforoso sarmiento jr. - Binagyo sa Virac, gutom na

Umapela ng tulong si Virac Mayor Sinfroso Sarmiento Jr., dahil sa gutom na nakaamba sa kanilang lugar matapos na salantain ng bagyong Rolly.

Sa panayam sa radyo kay Mayor Sarmiento, sinabi nitong wala nang mabilhan ng bigas at mga de lata sa kanilang bayan.

“Sana kung may mabubuting loob na nakikinig, sana matulungan kami,” panawagan ng alkalde .

Dahil wala nang suplay ng bigas at mga de lata sa mga tindahan sa Virac, nakiusap si Mayor Sarmiento na pagkain na lamang ang ibigay na tulong sa kanila.

“ Mas maganda kung in kind ang ibigay gaya ng bigas at de lata kasi kung pera ang donasyon, hinid o naming magagamit agad kasi walang mabilhan,” sabi pa ng opisyal.

Nabatid din ng alkalde na aabutin pa ng tatlong araw bago magkaroon ng bigas at de lata sa mga tindahan sa Virac.

The post Binagyo sa Virac, gutom na first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *