Bilyones ni Cynthia lumobo pa ng P279M

Sa pitong sunod na taon, si Senador Cynthia Villar pa rin ang nananatiling pinakamayamang miyembro ng Mataas na Kapulungan ng Kongreso sa net worth nitong P3.8 bilyon habang ang nakakulong na si Senador Leila de Lima ang `pinakamahirap’.

The post Bilyones ni Cynthia lumobo pa ng P279M first appeared on Abante.

bilyones ni cynthia lumobo pa ng p279m - Bilyones ni Cynthia lumobo pa ng P279M
abante villar 3 - Bilyones ni Cynthia lumobo pa ng P279M

Sa pitong sunod na taon, si Senador Cynthia Villar pa rin ang nananatiling pinakamayamang miyembro ng Mataas na Kapulungan ng Kongreso sa net worth nitong P3.8 bilyon habang ang nakakulong na si Senador Leila de Lima ang `pinakamahirap’.

Base sa pinakahuling Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) ng mga senador, si Villar ay nakapagtala ng P3, 814,091,438 bilyon, may dagdag na P279.6 milyon kumpara sa idineklara nitong yaman na P3.5 bilyon noong Hunyo 2019.

Pumangalawa sa kanya ang boxing champion na si Senador Manny Pacquiao na may net worth na P3,172,524,957.

Sa ikatlong puwesto si Senate President Pro Tempore Ralph Recto sa kanyang net worth na P567.4 milyon. Sinundan ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri na may P203.6 milyong net worth.

Pasok sa Top 5 si Senador Ramon `Bong’ Revilla Jr. na may net worth na P176,363,262.

Samantala, pinakamahirap na senador si De Lima, P8.32 milyon, at kapwa oposisyon na si Senador Risa Hontiveros, P16.05 milyon.

Narito ang idineklarang net worth ng iba pang senador noong Disyembre 31, 2019: Sen. Sonny Angara – P142,212,659; Senate Minority Leader Franklin Drilon – P102,259,501; Sen. Grace Poe – P97,631,508; Sen. Sherwin Gatchalian – P95,404,344; Sen. Pia Cayetano – P82,774,150; Senate President Vicente Sotto – P77,772,861; Sen. Richard Gordon – P71,207,733;

Sen. Lito Lapid – P70,948,600; Sen. Francis Tolentino – P61,172,000; Sen. Nancy Binay – P60,318,928; Sen. Panfilo Lacson – P48,959,138; Sen. Aquilino `Koko’ Pimentel III – P36,308,400; Sen. Imee Marcos – P34,020,467; Senate Ronald `Bato’ dela Rosa – P33,025,241; Sen. Joel Villanueva – P30,249,305; Sen. Francis Pangilinan – P19,975,821; Sen. Christopher `Bong’ Go – P18,391,012. (Dindo Matining)

The post Bilyones ni Cynthia lumobo pa ng P279M first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *