Bilyonaryo pinamigay lahat ng pera sa charity

Apat na dekada ang ginugol ng isang bilyonaryo para maipamigay ang lahat ng kanyang pera sa charity o kawanggawa.

The post Bilyonaryo pinamigay lahat ng pera sa charity first appeared on Abante.

bilyonaryo pinamigay lahat ng pera sa charity - Bilyonaryo pinamigay lahat ng pera sa charity
Charles Chuck Feeney - Bilyonaryo pinamigay lahat ng pera sa charity

Apat na dekada ang ginugol ng isang bilyonaryo para maipamigay ang lahat ng kanyang pera sa charity o kawanggawa.

Lumikom nang bilyon-bilyon habang nabubuhay nang matipid si Charles “Chuck” Feeney, 89, na co-founder ng airport retailer Duty Free Shoppers noong 1960.

“We learned a lot. We would do some things differently, but I am very satisfied. I feel very good about completing this on my watch,” wika ni Feeney sa Forbes.

Sa pamamagitan ng kanyang foundation na Atlantic Philanthropies, nag-donate si Feeney nang higit $8 bilyon o P 387 bilyon sa mga charity, university at foundation worldwide sa nakalipas na apat dekada.

Kabilang dito ang nabigay niyang $3.7 bilyon sa edukasyon, higit $870 milyon sa human rights at social change tulad ng pag-alis ng death penalty sa Amerika, at higit $700 milyon sa kalusugan, gaya ng pagpapabuti ng public healthcare sa Vietnam.

Nitong Setyembre 14 nakompleto na ni Feeney ang kanyang misyon na global giving at nilagdaan –kasama ang asawang si Helga Feeney–ang mga dokumento upang tuluyang isara ang Atlantic Philanthropies.

“I see little reason to delay giving when so much good can be achieved through supporting worthwhile causes. Besides, it’s a lot more fun to give while you live than give while you’re dead,” aniya pa. (SDC)

The post Bilyonaryo pinamigay lahat ng pera sa charity first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *