Bilibid pinasabog

ISANG malakas na pagsabog mula sa improvised explosive device (IED) ang gumulantang sa kalagitnaan ng isinagsagawang demolisyon ng mga awtoridad sa loob ng New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City, kahapon nang umaga.

bilibid pinasabog - Bilibid pinasabog
nbp - Bilibid pinasabog

ISANG malakas na pagsabog mula sa improvised explosive device (IED) ang gumulantang sa kalagitnaan ng isinagsagawang demolisyon ng mga awtoridad sa loob ng New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City, kahapon nang umaga.

Sa isinumiteng report ng National Capital Region Police Office (NCRPO), naganap ang pagsabog sa loob ng quadrant 4, east sector ng Maximum Security Compound sa NBP, dakong alas-10:00 nang umaga.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon nagsasagawa ng demolisyon sa quadrant 1 nang marinig ng demolition team ang pagsabog sa lugar.

Mabilis na rumesponde ang mga operatiba ng Explosives Ordnance Division/K9 team ng NCRPO upang suriin ang natrurang lugar.

Sa ikinasang proseso ng mga awtoridad lumitaw na ang sanhi ng pagsabog ay mula sa isang IED kaya agad na ginalugad ng EOD team gamit ang explosive detection dogs para sa posibleng secondary explosive device.

Sa gitna ng paneling, dalawang granada at dalawang blasting caps ang narekober sa loob ng kubol katabi sa pinagsabugan o explosion site.

Lumalabas pa sa pagsisiyasat ang nasabing lugar na kung saan nangyari ang pagsabog ay inookupahan ng violent extremist offenders ASG, Maute Isis, Rajah Solaiman group, Jimaah Islamiya at Moro Islamic Liberation Front (MILF). Hanggang ngayon ay hindi pa matukoy kung sino ang naghagis ng pampasabog.

Ayon naman kay NCRPO Director Police Major General Guillermo Eleazar, na wala naman nasawi o nasaktan sa naganap an pagsabog sa kalagitnaan ng isinasagawang demolisyon sa nasabing lugar.

Gayunpaman aniya patuloy pa rin silang nagsasagawa ng masusing imbestigasyon hinggil dito at inaalam nila kung ang naganap na pagsabog ay sinadyan o kagagawan ng mga nakakulong na mga rebeldeng preso doon.

Mabuti na lamang po ay walang nasaktan at namatay dito sa naganap na pagsabog, inaalam po namin ngayon kung may kinalaman ang mga presong nakakulong dito dahil sila ay mga pawang rebelde,” ani ni Eleazar. (Armida Rico)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *