Bilang ng walang trabaho ‘di gumalaw

Nanatili ang unemployment rate sa 5.4% noong Hulyo 2019, pareho sa naitala noong Hulyo 2018, sabi ng Philippine Statistics Authority kahapon.

bilang ng walang trabaho di gumalaw - Bilang ng walang trabaho ‘di gumalaw
ABANTE trabaho - Bilang ng walang trabaho ‘di gumalaw

Nanatili ang unemployment rate sa 5.4% noong Hulyo 2019, pareho sa naitala noong Hulyo 2018, sabi ng Philippine Statistics Authority kahapon.

Pinalitan ng PSA ang technical na kahulugan ng unemployment o ang kawalan ng trabaho noong 2005 kung saan hindi na sinasama sa bilang ang mga walang trabaho na hindi na naghahanap dahil napagod na sa kahahanap.

Sa tantiya ng PSA, ang labor force ng Pilipinas ay nasa 73.1 milyon noong Hulyo 2019 mula sa 71.6 milyon noong July 2018. Kasama sa pagbilang ng labor force ang mga 15 taong gulang pataas.

Sabi ng PSA, 62.1% ang tinatawag nitong labor force participation rate. Sa participation rate na ito kinukwenta ang employment at unemployment rate at hindi sa bilang ng labor force kaya lumalabas na 94.6% ang employment rate.

Umaabot naman sa 20 milyon ang kabataan na kabilang sa labor force o yung mga edad 15 anyos hanggang 24 anyos.

Ayon sa PSA, 15.3% sa mga may trabaho ay kabataan. (Eileen Mencias)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *