Bilang ng mga OFW na nagka-HIV dumami

NADAGDAGAN pa ng 505 bagong kaso ng human immunodeficiency virus (HIV) ang mga overseas Filipino worker­ (OFW) na nasuri mula Enero hanggang Hunyo taong kasalukuhan ayon sa ACTS-OFW.

bilang ng mga ofw na nagka hiv dumami - Bilang ng mga OFW na nagka-HIV dumami
ABANTE hiv aids - Bilang ng mga OFW na nagka-HIV dumami

NADAGDAGAN pa ng 505 bagong kaso ng human immunodeficiency virus (HIV) ang mga overseas Filipino worker­ (OFW) na nasuri mula Enero hanggang Hunyo taong kasalukuhan ayon sa ACTS-OFW.

Sa kabuuan, nasa 6,760 na umanong OFW ang may HIV. Sa bilang na ito 5,844 ang lalaki habang 916 ang babae.

Hinikayat ng grupo ang mga umuuwing OFW na hinihinalang nakakuha ng HIV habang nagtatrabaho sa ibang bansa, para magpasuri.

Kahit wala pa umanong lunas para sa HIV, makatutulong umano ang maagang pagkakaalam ng sakit para mabigyan ng antiretroviral treatment na makatutulong para hindi luma­la ang kondisyon ng pasyente.

Nagreresulta ang HIV ng pagkasira ng immune system ng isang indibidwal.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *