‘Bikoy’ video uploader state witness na

MAAARING gawing state witness si Rodel Jayme, ang taong itinurong nag-upload ng ‘Bikoy’ video na may titulong ‘Ang Totoong Narcolist’ na nagdawit sa First Family sa illegal drug trade.

The post ‘Bikoy’ video uploader state witness na appeared first on Abante News Online.

bikoy video uploader state witness na - ‘Bikoy’ video uploader state witness na
ABANTE bikoy 1 - ‘Bikoy’ video uploader state witness na

By Juliet de Loza-Cudia

MAAARING gawing state witness si Rodel Jayme, ang taong itinurong nag-upload ng ‘Bikoy’ video na may titulong ‘Ang Totoong Narcolist’ na nagdawit sa First Family sa illegal drug trade.

Ayon sa National Bureau of Investigation, kung mapapatunayan na ang pagkakasala ni Jayme ay ang paggawa ng website kung saan lumabas ang video ni Bikoy, ikokonsidera nila na gawin itong state witness.
Handa naman si Jayme na maki­pagtulungan sa mga awtoridad para maituro ang nagpagawa ng website.

“Handa akong maging state witness,” wika ni Jayme.

Nabatid na si Jayme ay administrator lamang ng Metrobalita.net
Sinabi ni Jayme nang maigawa niya ng website, isang ‘Maru’ at ‘Maru Xie’ ang binigay niya rito ang access at hindi niya akalain na magkakaroon ng pag-a-upload ng nasabing kontrobersiyal na video.

“Ang alam ko lang gagamitin nila ‘yun para dun i-post ang mga achievement ng nakalipas na admi­nistrasyon at ng partido (Liberal)… hindi ako guilty kaya hindi ako nagtago at kusang sumama sa NBI dahil wala akong alam sa mga na-upload na videos na ‘yun… natanggap ko lang ang ibinigay sa akin na P2,500 para ibayad sa webhosting at domain ng website,” ayon kay Jayme.

“Feeling ko nilaglag ako,” dagdag pa ni Jayme na agad na tinanong ng mga mamamahayag kung bakit niya nasabi ito kaya nilinaw rin na “Kaya ko sinabing nilaglag ako kasi malapit sa akin at kaibigan ko ang nakiusap na igawa ko ng website, tapos ganito nga ang nagyari.”

Iginiit pa ni Jayme na hindi siya ‘bayaran’ o tumanggap ng bayad para maging supporter sa halip ay kusang loob siyang sumuporta noon sa Liberal at nang makalipas ang halalan ay agad na siyang dumistansiya sa politika.

Mariin namang itinanggi ng kampo ni Vice-President Leni Robredo at dating Senador Mar Roxas na may kinalaman sila sa Bikoy video.

“Nako at ano naman ang pakialam namin diyan? At ako wala akong kilalang Bikoy at wala akong gawain na gano’n.” wika ni Roxas sa isang ambush interview sa Legazpi Public Market.

The post ‘Bikoy’ video uploader state witness na appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *