‘Bikoy’ sunog sa pasabog ni Sotto

DINUROG ni Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III ang kredibilidad ni Peter Joemel Advincula alyas ‘Bikoy’, na naglabas ng video hinggil sa tinawag nitong “Ang Totoong Narcolist”.

The post ‘Bikoy’ sunog sa pasabog ni Sotto appeared first on Abante News Online.

bikoy sunog sa pasabog ni sotto - ‘Bikoy’ sunog sa pasabog ni Sotto
sotto 3 - ‘Bikoy’ sunog sa pasabog ni Sotto

DINUROG ni Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III ang kredibilidad ni Peter Joemel Advincula alyas ‘Bikoy’, na naglabas ng video hinggil sa tinawag nitong “Ang Totoong Narcolist”.

Ito ay nang kumpirmahin ni Sotto na iisang tao lamang si Bikoy at ang lumapit sa kanyang testigo noong 2016 upang maglabas ng mga paha­yag hinggil sa pagkakasangkot umano sa iligal na droga ni dating Pa­ngulong Noynoy Aquino, dating DILG Secretary Mar Roxas, dating Executive Secretary Jojo Ochoa at dating Justice Secretary Leila de Lima.

Isinalaysay ni Sotto na 2016 nang papuntahan niya kay Hutch Altavas, ang kanyang chief political affairs si Advincula sa New Bilibid Prisons (NBP) sa Muntinlupa upang alamin ang kanyang mga alegasyon.

“So, confirmed. 100 percent, s’ya ang pinuntahan ni Hutch. At s’yang kausap,” saad ni Sotto.
“It was really a big bomb shell at that time kung pinatulan ko,” diin pa ng senador hinggil sa naging mga paratang noon ni Advincula laban sa mga nakalipas na opisyal.

Kung susuriin aniya ang sinum­paang salaysay ni Advincula noong 2016 at ikukumpara ang mga paha­yag ni Bikoy sa kanyang video series, magkakapareho lamang ang mga detalye at nag-iba lamang ang mga pa­ngalan ng mga pangunahing sangkot.

“Ikumpara ninyo ito (statement noong 2016) ngayon sa statement niya ng May 6, 2019. Mayroon din s’yang binabanggit ng patron, pa­triarch and others.

Sa patron, nabago na, ang sinasabi n’ya patron or Tausug Davao Group daw, Paolo Duterte, Veronica Salvador, na representing daw Honey Let and her daughter, Christopher Bong Go and Maneses Carpio,” salaysay ni Sotto.

Dahil sa pasabog ni Sotto, nagdesisyon si Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson na ikansela na lamang ang itinakdang hearing ng Senate committee on public order and dange­rous drugs hinggil sa mga alegasyon ni Advincula.

“Wala na. Mag-send out na ng notice na kina-cancel ang pagdinig at wala nang pagdinig na mangyayari sa issue na nilabas ni Bikoy. It doesn’t make sense,” diin ni Lacson.

Aminado si Lacson na napukaw lamang ang atensyon ng marami sa ‘Bikoy’ video series dahil ang First Family ang kanyang inaakusahan.

“Ang isang pagkakamali ni Bikoy ang paglantad niya. Siguro kung nanatili siyang anonymous, nagtago na lang as alyas ‘Bikoy’ at nanatiling nakakanlong, ‘di nagpakita, ‘di siya mamalasin nang ganito,” dagdag pa ni Lacson. (Dang Samson-Garcia)

The post ‘Bikoy’ sunog sa pasabog ni Sotto appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *