‘Bikoy’ nagpiyansa, pinalaya ng PNP

PINALAYA na ng Philippine National Police (PNP) nitong Sabado si Peter Joemel Advincula, ang nagpakilalang ‘Bikoy’ na nasa likod ng ‘Ang Totoong Narcolist’ vi­deo matapos magpiyansa sa kasong estafa.

The post ‘Bikoy’ nagpiyansa, pinalaya ng PNP appeared first on Abante News Online.

bikoy nagpiyansa pinalaya ng pnp - ‘Bikoy’ nagpiyansa, pinalaya ng PNP
bikoy 9 - ‘Bikoy’ nagpiyansa, pinalaya ng PNP

PINALAYA na ng Philippine National Police (PNP) nitong Sabado si Peter Joemel Advincula, ang nagpakilalang ‘Bikoy’ na nasa likod ng ‘Ang Totoong Narcolist’ vi­deo matapos magpiyansa sa kasong estafa.

Umalis si Advincula sa tanggapan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) dakong ala-1:20 nang hapon.

Ayon kay PNP chief General Oscar Albayalde, hiniling ni Advincula na manatili siya sa custody ng PNP dahil sa mga banta sa kanyang buhay.

Ngunit tinanggihan ito ni Albayalde dahil sa hindi pa berepikado ang banta sa buhay ni Advincula, bukod pa sa nakapagpiyansa na ito sa kanyang kaso.

Si Advincula ay sinundo ng nakababatang kapatid na si Joseph, at sumakay lang sila palabas ng Camp Crame mula sa binook na Grab car.

Nauna rito ay sumuko si Advincula sa PNP at isiniwalat na inutusan lamang siya ni Senador Antonio Trillanes IV at iba pang miyembro ng Liberal Party (LP) para gawin ang ‘Bikoy video’ sa halagang P500,000.

Matapos siyang hindi bayaran sa pinangakong pera at iwasan ni Trillanes at ng grupo ng Magdalo matapos ang pagkatalo ng Otso Diretso sa nakaraang halalan, nagdesisyon si Advincula na bumaligtad.

Sa nasabing narcolist video, pinarata­ngan ni ‘Bikoy’ ang First Family na sangkot sa iligal na droga.

Lumutang si Advincula noong Mayo 6 at nagpakilalang siya si ‘Bikoy’. Humingi siya ng tulong sa Integrated Bar of the Philippines (IBP) para makasuhan ang mga taong kinaladkad niya sa narcolist video.

Subalit winasak ni Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III ang kredibilidad ni Advincula dahil noon 2016 ay nag-aalok naman ito ng impormasyon hinggil sa pagkakasangkot umano sa illegal drugs ni dating Pangulong Benigno Aquino III at iba pang dating opisyal ng gobyerno.

The post ‘Bikoy’ nagpiyansa, pinalaya ng PNP appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *