‘Bikoy’ bubutasan sa korte ni Trillanes

trillanes-4

TINIYAK ni outgoing Senator Antonio ‘Sonny’ Trillanes IV na haharapin at bubutasan niya ang testimonya ni Peter Joemel Advincula alyas ‘Bikoy’, sa sandaling humarap na ito sa korte.

The post ‘Bikoy’ bubutasan sa korte ni Trillanes appeared first on Abante News Online.

bikoy bubutasan sa korte ni trillanes - ‘Bikoy’ bubutasan sa korte ni Trillanes
trillanes 4 - ‘Bikoy’ bubutasan sa korte ni Trillanes

TINIYAK ni outgoing Senator Antonio ‘Sonny’ Trillanes IV na haharapin at bubutasan niya ang testimonya ni Peter Joemel Advincula alyas ‘Bikoy’, sa sandaling humarap na ito sa korte.

Sinabi ni Trillanes na sa ngayon ay hindi muna nito ilalabas ang lahat ng impormasyon at hawak nilang ebidensya laban kay Advincula at sa halip ay hahayaan muna nila itong maghain ng kaso at maglabas ng patunay sa sinasabing ouster plot ng oposisyon laban sa Duterte Administration.

“In the end, kung may kaso talaga sila, doon ko na lang bubutasin,” saad ni Trillanes.

“Well, I’m not about to fall into that trap. Ilabas n’yo ‘yan (affidavit), pagka-final na… isampal n’yo sa korte dun ko bubutasin,” dagdag nito.

Una nang inamin ni Trillanes na inilapit sa kanya ng mga pari si Advincula subalit hindi aniya ito pumasa sa kanilang vetting process kaya’t lumantad at bumaligtad.

Muli namang iginiit ni Trillanes na walang plano ang oposisyon na patalsikin si Pangulong Rodrigo Duterte.

“Ito, categorically ha, there is no ouster plot…Walang ouster plot. Period,” giit ng outgoing senator. (Dang Samson-Garcia)

The post ‘Bikoy’ bubutasan sa korte ni Trillanes appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *