Bikolandia aarangkada sa BIA

ABOT-TANAW na ang lalo pang pag-arangkada ng Bikolandia.

The post Bikolandia aarangkada sa BIA appeared first on Abante News Online.

bikolandia aarangkada sa bia - Bikolandia aarangkada sa BIA
BIA - Bikolandia aarangkada sa BIA

ABOT-TANAW na ang lalo pang pag-arangkada ng Bikolandia.

Inaasahang magiging pintuan ng malawakakang dagsa ng turismo sa hilagang Luzon mula sa ibang bansa, at susi sa kaunlaran ng buong Bicol region ang ginagawang Bicol Internationa­l Airport (BIA) sa ba­yang ito na nakatakdang matapos sa 2020.

Ibinida ni Albay Rep. Joey Salceda ang nakakaenganyong paglobo ng turismo sa bansa na nagtala ng mataas na 7.6 paglago—tinatayang 2.2 milyong dayuhang turista—sa unang tatlong buwan ng taon.

Ipinapahiwatig lamang umano nito ang napakahalagang papel na gagampanan ng BIA tungo sa katuparan ng taunanang target na 20 milyong dayuhang turista sa bansa.

Ipinunto rin ng Department of Tourism (DOT) na ang pagsirit ng turismo ay bunga rin ng mga “dagdag na mga bagong diretsong biyahe ng ating mga airlines mula sa Japan at Australia at iba pa.”

The post Bikolandia aarangkada sa BIA appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *