Big time POGO kinandado ng BIR

IPINASARA ng Bureau of Internal Revenue (BIR) kahapon ang isa sa mga pinakamalaking Philippine Offshore Gaming Operator sa bansa, ang Great Empire Gaming and Amusement Corp. dahil sa hindi pagbaba­yad ng tamang buwis.

big time pogo kinandado ng bir - Big time POGO kinandado ng BIR
PoGO - Big time POGO kinandado ng BIR

IPINASARA ng Bureau of Internal Revenue (BIR) kahapon ang isa sa mga pinakamalaking Philippine Offshore Gaming Operator sa bansa, ang Great Empire Gaming and Amusement Corp. dahil sa hindi pagbaba­yad ng tamang buwis.

Kasama ni BIR de­puty commissioner for operations Arnel SD. Buballa ang Department of Finance at mga pulis nang ihain nito ang closure order sa tanggapan ng GEGAC sa Eastwood sa Quezon City kahapon.

May tanggapan din ang GEGAC sa Aseana City sa Pasay at sa Subic Freeport na kasama rin sa closure order.

Ayon kay Department of Finance (DOF) Assistant Secretary Tony Lambino, nasa 2,000 ang mga dayuhang manggagawa ng GEGAC sa Eastwood pa lang.

Naghihigpit ang DOF sa mga POGO dahil hindi nito binabayaran ang buwis ng mga manggagawa nitong karamihang Chinese na higit na malalaki ang mga sweldo kumpara sa mga Pilipino.

Wala ang GEGAC sa listahan ng Philippine Amusement and Gaming Corp. (Pagcor) ng mga aprubadong POGO. Nasa 60 lamang ang rehistradong POGO sa listahan ng Pagcor.

Ayon sa BIR, hindi rin rehistrado ang GEGAC sa kanila.

“Results of the inves­tigation showed that GEGAC is not registered for VAT (value-added taxes) purposes viola­ting the Section 108 vis-a-vis with Section 115 of the Tax Code as certified by the Revenue District Office 019 – Subic Bay Freeport Zone,” ayon sa statement na nilabas ng tanggapan ni BIR Commissioner Caesar Dulay

Bukod sa hindi pagbabayad ng buwis, marami na ang nagpahayag ng alinlangan sa pagusbong ng mga POGO sa bansa. Isa sa mga ikinababahala ng ilang policy makers ay maa­ring nagagamit na ang mga ito para sa money launde­ring kung saan ang mga perang nakuha sa mga iligal na gawain tulad ng kidnapping for ransom at drug traffi­cking ay naibabalik sa pormal na financial system at napapakinaba­ngan ng masasamang loob. (Eileen Mencias/Yves Briones)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *