Biden binakuran ng Secret Service, Trump bitter pa rin

Nagpadala pa umano ng dagdag na mga US Secret Service agent sa Wilmington, Delaware kasunod ng inaasahang posibilidad ng pagkapanalo ni Joe Biden bilang pangulo.

The post Biden binakuran ng Secret Service, Trump bitter pa rin first appeared on Abante.

biden binakuran ng secret service trump bitter pa rin - Biden binakuran ng Secret Service, Trump bitter pa rin
trump and biden - Biden binakuran ng Secret Service, Trump bitter pa rin

Nagpadala pa umano ng dagdag na mga US Secret Service agent sa Wilmington, Delaware kasunod ng inaasahang posibilidad ng pagkapanalo ni Joe Biden bilang pangulo.

Sa mga ulat, ang paghihigpit ng seguridad ay kasunod ng anunsyo ng panig ng dating vice president at ngayo’y katunggali ng kasalukuyang pangulo ng Amerika na si Donald Trump, na magsasagawa ito ng talumpati.

Walang opisyal na pahayag na nilabas ang Secret Service hinggil sa isyu, at giniit na hindi naglalabas ang ahensya ng anumang impormasyon sa publiko tungkol sa plano para sa seguridad ng pangulo o mga kandidato na kanilang pinoprotektahan. Tahimik din ang kampo ni Biden at hindi nagpahayag ng komento.

Samantala, tuloy pa rin ang pagkuwestiyon ni Trump sa integridad ng eleksyon. Sa isang talumpati nito, hinayag niyang may ilang state official ang hindi umano patas sa pagbilang ng mga invalid vote sa mga estado kung saan siya natalo ni Biden.

The post Biden binakuran ng Secret Service, Trump bitter pa rin first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *