Bidding sa 30th SEA Games binira

DISMAYADO ang mga bidder sa procurement ­service sa marketing, ­advertising, media placement, video, print production at coverage service ng 30th South East Asian Games sa Nobyembre 30.

bidding sa 30th sea games binira - Bidding sa 30th SEA Games binira
abante 6 - Bidding sa 30th SEA Games binira

DISMAYADO ang mga bidder sa procurement ­service sa marketing, ­advertising, media placement, video, print production at coverage service ng 30th South East Asian Games sa Nobyembre 30.

Ayon sa mga ­bidder, isang ­nagpakilalang ­tauhan umano ng isang mataas na ­opisyal ng gobyerno ang ­nakikialam sa bidding process.

Ipinagtataka ng mga bidder kung bakit ­sinasabi ­umano ng nagpakilalang ­tauhan na nai-award na ang proyekto ­gayung ­ngayon Setyembre 13 ang proseso ng ­bidding.

Maging ang mga taga-Department of ­Budget and ­Management (DBM) na ­magbibigay ng ­pondo para sa ­proyekto ay ­naimbiyerna at ­naiinis na rin sa umano’y ­panghihimasok ng ­tauhan ng opisyal sa ­bidding.

Nananawagan kay Pangulong Rodrigo Duterte ang mga bidder na silipin ang bidding process upang ­maibigay sa karapat-dapat na kompanya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *